WATCH: Nakasibilyang sundalo na pauwi na sana galing Marawi, patay ng pumalag nang sitahin ng pulis

advertisement

Binawian ng buhay ang isang nakasibilyang sundalo na pauwi na sana galing ng Marawi matapos umano itong manlaban ng sitahin ng mga pulis.

Bago nangyari ang insidente, nakatangap umano ng sumbong ang mga pulis mula sa sibilyan na may isang misteryosong lalaki na nakatayo sa tindahan sa Monte Alegre, Aurora at pinaghihinalaang may sukbit na baril sa kanyang tagiliran.

Nang puntahan ng awtoridad ang nasabing lalaki ay bigla umano itong bumunot nang sitahin pero naunahan itong paputakan ng dalawang rumispondeng pulis na agad niyang ikinamatay.

Pero nang usisain ang mga dala nitong gamit ay doon na napag-alaman na isa pala itong aktibong sundalo na kabilang sa 53rd Infantry Batallion na kinilalang si Rodilo Torres Bartolome at naka destino sa Marawi City.

Ayon sa asawa, galing pa umano sa bakbakan sa Marawi si Torres at pauwi na sana ng bigla itong bumaba sa nasabing lugar dahil sa hindi na malaman ang daan pauwi. Sinabi din ng asawa na parang wala na raw sa sarili ito ng tumawag sa kanya.

Nangagalaiti naman sa galit ang pamilya at ang mga kasamahan nito nang makitang nakabulagta at wala nang buhay ang kanilang kasamahan.

Pero ayon sa ibang nakasaksi, nakatayo lamang raw si Torres habang nag-aantay ng van at hindi umano ito bumunot ng baril nang sitahin ng pulis.

Sabi nito, lumapit umano ang pulis na nakasuot pa ng sibilyan sa nasabing lalaki dala-dala ang kanyang kalibre 45 na baril at sa pag-aakala na bubunot ito ng baril ay agad niya itong pinaputukan na ani ng saksi ay huhugutin lang sana ng sundalo ang kanyang ID para magpakilala.

Watch video here:
advertisement
WATCH: Nakasibilyang sundalo na pauwi na sana galing Marawi, patay ng pumalag nang sitahin ng pulis WATCH: Nakasibilyang sundalo na pauwi na sana galing Marawi, patay ng pumalag nang sitahin ng pulis Reviewed by Aldub News Hub on 9:13:00 AM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din