WATCH: Mensahe ng mga magulang ni Kian sa mga namumulitika: 'Sana tigilan na po'

advertisement

'Sana tigilan na po.'

Ito ang pakiusap ng mga magulang ni Kian De los Santos sa mga personalidad na ginagamit ang pagkamatay ng kanilang anak sa pamumulitika at sa pansariling interes.

Anila, wala silang ibang hinahangad kundi mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanilang anak.

“Sana po ay tigilan na po kasi naman po hindi kami namumulitika, ang gusto lang po namin ay mabigyan ng katarungan yong pagkamatay ng anak ko.”

Sa mga nagdaang araw kasi, halos naging laman na ng mga balita ang pagkamatay ng 17-anyos na binatilyo na labis namang pinagsamantalahan ng mga Anti-Duterte groups para siraan ang Pangulo at ang kanyang kampanya kontra droga.

Magugunitaang naglunsad pa ang oposisyon ng himagsikan para kay Kian, pero batay sa mga nakuhang impormasyon sa gitna ng isinagawang rally ng nasabing grupo ay may iba pa pala umanong layunin ang mga ito.

May mga nagbibigay pa raw kasi ng mga papel kalakip ang mensahe na suportahan ang pagpapalaya sa nakakulong na si Senadora Leila De Lima at ang lantarang pagsusulong na harangin ang electoral protest ni Bongbong Marcos.

Samantala, nagpahayag din pagtitiwala at kapanatagan ng loob ang mag-asawa matapos ang pakikipagpulong nila kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang nitong Lunes.

Nangako naman ang Pangulo na gagawin niya ang lahat ng makakaya para mapabilis ang pagresolba sa kaso ng kanilang anak at maparusahan ang mga nagkasala.


Source: Mocha Uson Blog
advertisement
WATCH: Mensahe ng mga magulang ni Kian sa mga namumulitika: 'Sana tigilan na po' WATCH: Mensahe ng mga magulang ni Kian sa mga namumulitika: 'Sana tigilan na po' Reviewed by Aldub News Hub on 7:35:00 PM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din