WATCH: Lalaking lango sa droga, nang-hostage ng tindero sa palengke sa Quezon City

advertisement

Nabulabog ang mga namamalengke sa Muñoz Market sa Quezon City bandang alas 5 kaninang umaga ng biglang nang-hostage ang isang lalaking armado ng patalim.

Ayon sa mga nakasaksi, alas 11:00 ng gabi dumating sa palengke ang suspek mula sa Project 8 at hinahanap umano nito ang kanyang kaanak.

Ngunit makalipas ang ilang oras ay hindi na mapakali ang suspek at bigla nitong tinutukan ng mahabang kutsilyo ang kanyang tiyuhin na si Jerry.

Rumesponde naman agad ang mga pulis at ilang mga kaanak ng biktima at suspek para subukang payapain ang sitwasyon.

Makalipas ang tatlong oras ay matagumpay na nailigtas ng mga awtoridad ang biktima na nagtamo pa ng sugat sa kanyang leeg at kamay dahil sa pagpalag.

Habang arestado naman ang suspek at dinala sa Quezon City Police District Station 2.

Kwento ng biktima, natutulog siya nang lapitan ng suspek at nagpapasama raw itong tumawid at sumakay para makauwi dahil may sumusunod umano sa kanya na gusto siyang patayin.

Walang namang malinaw na dahilan kung bakit nang-hostage ang suspek, pero aminado naman ito na lango siya sa iligal na droga.

Watch video here:


Source: News5
advertisement
WATCH: Lalaking lango sa droga, nang-hostage ng tindero sa palengke sa Quezon City WATCH: Lalaking lango sa droga, nang-hostage ng tindero sa palengke sa Quezon City Reviewed by Aldub News Hub on 3:48:00 AM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din