WATCH: Isang guro, nahuling nanampal ng kindergarten pupil na kanyang tinuturuan

advertisement

Marahil marami sa atin ang nagsasabi na ang guro ang nagsisilbing pangalawang magulang ng ating mga anak dahil sila ang nagtuturo at gumagabay sa kanilang pag-aaral sa mga paaralan.

Ngunit sa kabilang banda, may mga guro pa rin na umaabuso sa responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanila ng mga magulang at ang pinakamalala ay nahahantong ito sa pananakit ng mga estudyante dahil sa stress o nadadala lamang ng kanilang personal na emosyon.

Sa kuhang video ng isang netizen, makikita ang isang buntis na guro na nananakit ng isang kindergarten pupil habang tinuturuan niya ito.

Aniya: Sa mga magulang na natatakot magsumbong, eto na pagkakataon nyo.. Isang guro sa Namabbalan, Elementary School, Tuguegarao City ang nahulicam sa pananampal niya sa isang kinder pupil na kanyang tinuturuan. Wala man akong anak sa paaralan na yan. Concern lang ako sa mga batang nakakakita at nkakaranas sa ginagawa nya. Trauma ang abot ng mga bata dyan, Kc in the first place mga kinder lamang po ang mga batang yan, Ma'am, hindi mo po ba alam na bawal ang ganyang gawain lalo na sa mga murang edad ng mga batang iyan.. Maging aral sana ito sa lahat ng guro hindi lamang sa paaralan na yan kundi sa lahat ng guro sa buong bansa.

Dahil sa ginawa ng gurong ito, maraming netizens ang naglabas ng kanilang mga saloobin sa ginawang pananakit ng guro sa bata. At narito ang ilan sa kanilang mga sinabi:



Ngunit meron ding iilan na dinepensahan ang guro:



Watch related video:
advertisement
WATCH: Isang guro, nahuling nanampal ng kindergarten pupil na kanyang tinuturuan WATCH: Isang guro, nahuling nanampal ng kindergarten pupil na kanyang tinuturuan Reviewed by Aldub News Hub on 5:56:00 PM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din