WATCH: Hitman at Drug Courier ng mga Parojinog, Nagsalita na 'Dawit din Sila sa Panghoholdup'

advertisement

Alyan 'Noel' dating 'tirador' at taga-dala ng ilegal na droga para sa pamilya Parojinog.

Hindi lang daw ilegal na droga ang operasyon ng pamilya. Dawit din umano sila sa panghoholdap.

Magda-20 taon na raw si Noel na nagtatrabaho para sa mga Parojinog.

"Parami na nang parami ang mga kasama niyang nagtrabaho noon para sa mga Parojinog ang nawawala ngayon at hindi nakauuwi sa pamilya. " ayon kay Noel.

Si Noel din ang pinapupunta sa Bilibid para kumuha ng kilo-kilong shabu na ide-deliver sa Ozamiz.

Pagdating sa Ozamiz ay pinaghahati-hatian ng mga Parojinog ang ilegal na droga.

Kabilang umano sa mga humahati sina Ozamiz city mayor Reynaldo "Aldong" Parojinog, Sr. at anak niyang si vice mayor Nova Princess Parojinog.

Napatay ang alkalde sa raid sa kanilang bahay nitong Linggo, Hulyo 30. Habang inaresto naman ang anak niyang si Nova Princess.

Nasubukan na rin daw ni Noel na pumatay at mag-chop-chop ng katawan ng mga taong hindi kasundo ng mga Parojinog.

Dahil na rin sa takot, hindi na raw nagawa ni Noel na umalis sa panunungkulan sa pamilya.

Kapag daw kasi hindi sinunod ng mga tauhan ang utos ng mga Parojinog, ipinapapatay sila.
Pinatotohanan din ni Noel na may mga ipinatagong armas ang mga Parojinog sa mga kapitan, empleyado ng gobyerno at mga malalapit na kaibigan ng pamilya.

Ayon kay Ozamiz City Police Chief Insp. Jovie Espenido, mula pa noong Hunyo, nasa higit 200 na ang nagsuko ng mga armas sa kanila na galing daw sa mga Parojinog.


WATCH VIDEO BELOW


Source: ABS-CBN
advertisement
WATCH: Hitman at Drug Courier ng mga Parojinog, Nagsalita na 'Dawit din Sila sa Panghoholdup' WATCH: Hitman at Drug Courier ng mga Parojinog, Nagsalita na 'Dawit din Sila sa Panghoholdup' Reviewed by Online tricks on 8:09:00 PM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din