VIRAL: Isang lalaking pasahero, tinulungan ang isang ina para mapagamot ang anak na may sakit

advertisement

Isang nakakaantig na kwento ang ibinahagi ng isang netizen sa social media matapos niyang masaksihan ang kabutihan na ginawa ng isang lalaking nakasakayan niya kamakailan sa jeep.

Kwento ni Aifah, pasakay siya ng jeep at napansin niya ang isang ina na karga karga yung anak na babae na tila malubha na yung pakiramdam ng bata at uuwi na raw sila ng Balamban, kasama ang asawa nito at isa pang anak na batang lalaki.

Pagkatapos may isang pasahero ang nagtanong sa nanay kung ano ang nangyari sa anak niya. Sinabi ng babae na nagtatae yung anak niya at hindi nila kayang mapagamot ang bata dahil wala silang pera.

Dahil sa malalang kondisyon ng bata, hindi na nakatiis ang lalaki kaya binigyan niya ito ng pera pampagamot para sa kanyang anak at pamasahe papuntang ospital.


Narito ang kanyang buong salaysay:


Saludo ako sa kuyang ito na nakasakayan ko sa 01k kanina papuntang Colon. Habang nasa jeep kami, merong ina na karga karga ang kanyang anak na babae around 8-10yrs old ata, at merong dalang bagahe. Uuwi daw sila ng Balamban. Kasama niya ang kanyang asawa at isa pang anak(boy). Pagod na pagod na talaga yung bata (girl) to the point na malubha na talaga kondisyon niya . (I wasn't able to take a photo of that child dahil nasa likod  sila ng driver, then malapit ako sa entrance ng jeep). Tapos nun meron isang pasahero na nagtanong sa ina kung ano ang nangyari sa anak niya. Nagtatae pala yung bata kaya matamlay. Hindi daw nila talaga mapagamot dahil wala silang pera. Itong si kuya, hindi na nakatiis tignan yung bata, binigyan niya ng pera ang ina para deretso na ma-admit yung bata sa hospital dahil hindi na talaga kaya ng bata. Nagbigay din siya ng pang taxi dahil traffic, tsaka mainit. Naiyak talaga yung ina sa sobrang tuwa. I've noticed na meron agad tinawagan yung lalaki. Based on their convo, parang tauhan ng hospital ang kausap niya dahil narinig ko na sinabi niya "merong pasyente papunta diyan, nakasakay sila ng taxi. Paki-abangan at asikaso naman sa kanila".

Natutuwa ako dahil meron pa palang ganitong tao. Sana lahat ng tao katulad ni kuya. God bless you and your fam, sir.

P.S. I'm sorry for secretly taking this pic., but I think, someone like you deserves a post. Salute.

Dahil dito, maraming netizens ang namangha at naantig ang puso sa ginawa ng lalaking ito at narito ang ilan sa kanilang mga sinabi:

 
 
 
 

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 110k likes at 24k shares ang post sa facebook.


Source: Aifah Mc AL
advertisement
VIRAL: Isang lalaking pasahero, tinulungan ang isang ina para mapagamot ang anak na may sakit VIRAL: Isang lalaking pasahero, tinulungan ang isang ina para mapagamot ang anak na may sakit Reviewed by Aldub News Hub on 5:49:00 AM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din