VIRAL: Batang nagsauli ng malaking halagang pera, umani ng papuri at binigyan ng full scholarship

advertisement

Isang napakagandang karanasan ang ibinahagi ng isang netizen na ito matapos siyang pakitaan ng di matatawaran na katapatan at kabutihan ng isang batang lalaki sa McDo.

Kwento ni Dindo Lorenzo, bandang ala 1:00 ng madaling araw ay dumaan siya ng McDo para bumili ng pasalubong sa kanyang pamilya. Habang hinuhugot niya ang kanyang wallet sa kanyang bulsa, hindi niya napansin na nahulog pala ang kanyang pera sa sahig.

Sa kabutihang palad, isang batang lalaki ang nakaagaw sa kanya ng pansin habang siya ay papasok sa loob at dali-dali siyang tinawag nito at agad  naman na isinauli sa kanya ang pera na nagkakahalaga ng P7,000.

Bilang ganti sa katapatan na ipinamalas ng bata, pina order niya ito ng pagkain, pero tinanggihan siya ng bata dahil busog pa raw ito kaya binigyan nalang niya ito ng kaunting pera.

Laking pasasalamat naman ng bata dahil sa ibinigay  sa kanya na pera at sinabing ibibigay niya daw ito sa kanyang nanay. Sabi pa niya na hindi na rin daw nakakapagtrabaho ang kanyang tatay dahil malabo na ang mga mata nito.

Narito ang buong salaysay ni Dindo Lorenzo:

around 1:00 am kanina dumuan ako ng mcdo sta. maria para bumili ng pasalubong s aking pmilya pag kuha ko ng fone ko nasama plang nhugot pera ko mga 7k yun puro 1 thousand nung nsa loob n ko ng mcdo pra omorder tinawag ako ng batang to at cnbing nhulog ang pera ko.... pinilit ko cyang omorder ng pgkain ayaw daw nya kc busog cya nung inabutan ko cya ng konting cash ngpasalamat cya ibibigay daw nya s nanay nya... d n daw nkkpagtrabaho tatay nya kc malabo n daw ang mata.... d daw nya naisip n itakbo ang pera ko kc d nman daw kanya yun... god bless u pogi mgkikta p ulit tyo babawi ako syo promise....
god bless you pogi🖒😊

Kinilala ang bata na si Andrey Macabuhay, isang "parking boy" sa isang fastfood restaurant sa bayan ng Santa Maria, Bulacan. Sa murang edad piniling maghanapbuhay sa gabi upang hindi na maging pabigat sa kanyang mga magulang.


Dahil sa ipinamalas na kabutihan at katapatan ng batang si Andrey, maraming netizens ang humanga at bumilib sa kanyang ginawang kabutihan.


Samantala, pinagkalooban din si Andrey ng full scholarship ng Immaculate Conception Institutions na nagkakahalaga ng P340,000 - P400,000 (Junior & Senior High School, College). Kasama na rin sa scholarship na kanyang natanggap ay cash allowance, free books, free uniforms, free lunch at free field trip habang siya ay nag-aaral at siguradong trabaho pagkatapos niya ng kolehiyo.

Sabi nga, kung ano ang kabutihang ginawa mo sa kapwa mo ay doble-triple pa ang ibabalik ng Diyos sayo.

Mabuhay ka Andrey! Isa kang tunay na inspirasyon at ehemplo sa mga kabataan.

Source: Dindo Lorenzo
advertisement
VIRAL: Batang nagsauli ng malaking halagang pera, umani ng papuri at binigyan ng full scholarship VIRAL: Batang nagsauli ng malaking halagang pera, umani ng papuri at binigyan ng full scholarship Reviewed by Aldub News Hub on 8:28:00 AM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din