Raffy Tulfo slams Ozamiz raid critics: Sangkot ba kayo o protektor din kayo ng mga drug lord?

advertisement
Nagbigay ng pahayag ang batikang mamamahayag sa radyo na si Raffy Tulfo laban sa mga kritiko na kumekwestiyon sa ginawang operasyon ng awtoridad sa bahay ng mga Parojinog sa Ozamiz na nagresulta sa pagkamatay ng alkalde ng naturang lungsod na si Reynaldo "Aldong" Parojinog na pinaghihinalaang big-time drug lord.

Aniya, ngayong malaking isda ang binangga ng administrasyong Duterte ay marami pa rin ang nagrereklamo, gayong sinasabi nila dati na maliliit na pushers lamang daw ang kaya at pinapatay ng kasalukuyang administrasyon.

"Kapag ang napapatay sa engkwentro ay maliliit na pusher, nagrereklamo. Oh bakit maliliit lang yung pinapatay niyo? Bakit hindi yung malalaki? Ngayon big fish itong nakaengkwentro ng ating awtoridad may reklamo pa rin," pahayag ni Tulfo.

"Baka naman itong nagreklamo mga pusher din 'to, baka protektor din ito ng droga. Itong mga nagdadakdak," dagdag pa nito.

Hindi rin pinalampas ni Tulfo na patamaan ang isang kilalang istasyon na hindi na niya pinangalanan dahil sa ginagawang pagdikdik nito sa mga pulisya sa ginagawang panayam na para bagang mas kinakampihan pa nito ang pamilya Parojinog.

"In fact, may isang TV Station din diyan talagang dinikdik yung pulis natin eh galit na galit bakit daw pinatay si Parojinog? Baka protektor kayo ng droga diyan? Parang kamag-anak niyo si Parojinog," ani nito.

Pahayag nito, matagal ng alam ng mga tao at nasabing istasyon ang kasaysayan ng mga Parojinog sa Ozamiz, lalo na ang pagkakasangkot ng pamilya sa mga iligal na gawain, ngunit pinabayaan lamang ng mga nagdaang administrasyon na lumaganap ang kanilang operasyon.

"Matagal ng sangkot sa iligal na droga. Kasi yung mga previous administration 'untouchable' sila. Ngayong dumating na ang panahon Duterte administration na ay gumawa ng paraan ang awtowridad, ngayon pumapalag kayo. It's either kayo ay sangkot sa droga or protektor din kayo ng mga drug lord." dagdad pa niya.

Watch related video here:

Source: Raffy Tulfo Action
advertisement
Raffy Tulfo slams Ozamiz raid critics: Sangkot ba kayo o protektor din kayo ng mga drug lord? Raffy Tulfo slams Ozamiz raid critics: Sangkot ba kayo o protektor din kayo ng mga drug lord? Reviewed by Aldub News Hub on 12:22:00 AM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din