WATCH: Ina ng testigo sa kaso ni Kian, nagalit dahil kinuha ni Hontiveros ang anak ng walang paalam

advertisement

Tila hindi nagustuhan ng ina ng menor de edad na testigo sa kaso ni Kian ang pagkuha ni Senator Risa Hontiveros sa kanyang anak ng walang pahintulot mula sa kanya.

Sa eksklusibong panayam, sinabi ng ina ng testigo na hindi tama ang ginawa ng senadora lalo na't wala pa sa wastong gulang ang kanyang anak para dalhin ng walang permiso.

Sinabi din nito na dapat nagpaalam muna ang senadora kung papayag ba ang magulang ng bata kung sa kanila ba ipagkakatiwala ang kustodiya ng anak.

"Actually hindi ko alam eh. Hindi tama. 'Yun po yung isang foul dun eh. Bago po nila kukunin yung anak ko, kunin muna nila yung permiso sa akin kung papayag ba ako na sa kanilang panig ko ibibigay. Unang-una yang Hontiveros na yan, hindi ko po siya nakakausap. Hindi man lang niya hinanap muna kung paano makontak ang ina ng witness dahil minor po yan eh." ani ng ina.

Samantala, hiniling ng ilang kaanak ng dalawang menor de edad na testigo sa pagkasawi ni Kian Loyd De Los Santos na ipaubaya na lang sa Public Attorney's Office ang kustodiya sa dalawa na kasalukuyan ay nasa pangangalaga pa ng senadora.

Watch video here:

Source: ABS-CBN News
advertisement
WATCH: Ina ng testigo sa kaso ni Kian, nagalit dahil kinuha ni Hontiveros ang anak ng walang paalam WATCH: Ina ng testigo sa kaso ni Kian, nagalit dahil kinuha ni Hontiveros ang anak ng walang paalam Reviewed by Aldub News Hub on 4:36:00 PM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din