WATCH: 17 anyos na binatilyo, napatay ng mga pulis dahil nanlaban; pero iba ang kuha sa CCTV

advertisement

Isang 17-anyos na bi­na­­­tilyo ang nasawi matapos mabaril nang manlaban umano sa mga operatiba sa gitna ng isinagawang 'Oplan Galugad' ng Caloocan police nitong Miyerkules, Agosto 16.

Sa ulat ng Caloocan police, bumunot umano ng baril at nagpaputok ang binatilyo na kinilalang si Kian Loyd Delos Santos nang makita ang mga pulis. Kaya gumanti ng putok ang isang pulis kaya ito nasawi.

Hindi naman umano target si Delos Santos sa operasyon na natiyempuhan lamang at narekober mula sa kaniya ang kalibre 45 baril at ilang sachet na may laman ng hinihinalang shabu.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Saldy Delos Santos, ama ng napatay na binatilyo, malinaw raw na nagsisinungaling ang mga pulis sa kanilang spot report.

Base kasi sa CCTV footage, makikita ang dalawang nakasibilyang pulis na bitbit ang binatilyo papunta sa direksiyon kung saan siya napatay at may sumunod pang isang pulis. Nahagip rin sa video na nagtakbuhan pa ang mga residente.

Masama ang loob ng ama ng binatilyo dahil hinala niya mismong mga pulis ang kumitil sa inaasam na pangarap ng kanyang anak na nais din sanang maging alagad ng batas.

Anya, kung totoong nan­laban ang kanyang anak bakit hindi agad nila ito bi­naril kung saan nila ito ina­resto.

Lumitaw din ang mara­­ming testigo na hindi nanla­ban ang suspek. Anila, piniringan, pinagsusuntok, at sinikmuraan pa ang binatilyo.

Dagdag pa ng mga testigo, nasundan nila ang mga pulis at kitang-kita nila kung paano inabot ng mga pulis ang baril kay Delos Santos.

Sinabihan umano ng mga pulis ang binatilyo na iputok ang baril at tumakbo. At ng tumakbo ang binatilyo, doon na siya simulang pinaputukan ng mga pulis

Samantala, nakatakdang namang umuwi sa bansa ang ina ni Delos Santos na isang overseas Filipino worker mula Middle East.

Sa mga ebidensiya at testimonyang hawak ng pamilya, umaasa  ang mga ito na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Delos Santos at mapanagot ang mga pulis na nasa likod anila ng krimen.

Watch related video:

Source: ABS-CBN News
advertisement
WATCH: 17 anyos na binatilyo, napatay ng mga pulis dahil nanlaban; pero iba ang kuha sa CCTV WATCH: 17 anyos na binatilyo, napatay ng mga pulis dahil nanlaban; pero iba ang kuha sa CCTV Reviewed by Aldub News Hub on 1:18:00 AM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din