WATCH: Actual video footage ng pagraid sa bahay ni Ozamiz City Mayor Parojinog

advertisement
Inilabas ng KMTV News Channel ang aktwal na pagraid ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bahay ng hinihinalang pinakamalaking narco-politician na si Mayor Reynaldo "Aldong" Parojinog ng Ozamiz City.

Isinagawa ang raid ng 10th Regional Criminal Investigation and Detection Unit, Misamis Occidental provincial police, at Ozamiz City Police sa bahay at sakahan ng pamilya Parojinog ganap na alas-2:30 ng umaga, Hulyo 30.

Sa video,  makikita ang mga nakumpiska na matataas na kalibre ng baril, mga granada, mga bundle ng pera na pinaghihinalaang galing sa iligal na droga.

Ang raid ay naganap matapos na ibalik sa puwesto si dating Albuera City police chief at ngayo'y Ozamiz City Police Director Jovie Espenido nang kanselahin ni PNP Director General chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang kanyang 90-day suspension.

Ilan taon na umanong hawak ng mga Parojinog ang Ozamiz City kahit na may mga usap-usapan na sila ang isa sa pinakamalaking nagsu-supply ng droga sa Mindanao.

Sa nagdaang taon, matatandaan na inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mayor Parojinog at ang anak nitong si Vice Mayor Nova Princess Parojinog sa listahan ng mga pulitiko na sangkot sa illegal drug trade at si Mayor Parojinog ay father-in-law ni Herbert Colongco, isa sa top drug lords sa bansa.

Watch video here: 


Source: KMTV News Channel
advertisement
WATCH: Actual video footage ng pagraid sa bahay ni Ozamiz City Mayor Parojinog WATCH: Actual video footage ng pagraid sa bahay ni Ozamiz City Mayor Parojinog Reviewed by Aldub News Hub on 6:49:00 PM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din