Pari, arestado dahil sa tangkang pang-aabuso sa isang menor de edad na dalagita

advertisement
Arestado ang isang katolikong pari sa gitna ng isinagawang entrapment operation ng pulisya at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos umano itong magtangkang mang-abuso ng isang menor de edad na dalagita sa Marikina City.

Kinilala ang suspek na si Msgr. Arnel Fuentes Lagarejos, 55, na naaktuhan ng awtoridad na papasok sa isang motel.

Ayon sa pulisya, kinausap umano ng pari ang isang menor de edad rin na bugaw upang makuha ang 13-anyos na babae.

Nakipagkasundo umano si Lagarejos na makipagkita sa bugaw at sa dalagita sa Blue Wave Mall sa Sumulong Highway, Barangay Sto. Nino sa Marikina City, ngunit nagsumbong ang ina ng 13-anyos na dalagita sa awtoridad kaya ikinasa ang entrapment operation.

Nakasakay sa isang berdeng Ford Explorer na may plakang TGO 350 ang pari at papasok na sana ito sa isang motel nang matimbog ng mga pulisya.

Nagtangka pa diumano ang pari na bumunot ng baril nang aarestuhin na, ngunit napigilan ito ng pulis kaya hindi na natuloy ang kanyang balak.

Paliwanag pa ng pulisya, ang grupo sana ng bugaw ang nais nilang mahuli pero nagulat na lamang sila nang malaman na sangkot din dito ang nasabing pari.

Si Lagarejos ay nakadestino sa Marikina City at Rizal at naging dating presidente ng isang Katolikong eskwelahan. Kilala rin ang pari bilang isa sa mga tumututol sa pagpapatupad ng Reproductive Health Law sa bansa.

Nahaharap ngayon si Lagarejos sa kasong child abuse at trafficking in persons.

Samantala, nasa ilalim na ng kustodiya ng DSWD ang 13-anyos na dalagita at ang bugaw.

Watch related video:
advertisement
Pari, arestado dahil sa tangkang pang-aabuso sa isang menor de edad na dalagita Pari, arestado dahil sa tangkang pang-aabuso sa isang menor de edad na dalagita Reviewed by Aldub News Hub on 12:34:00 AM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din