WATCH: Erwin Tulfo slams CHR Gascon: Papano naman yung karapatang pantao ng sundalo na namatay?

advertisement
Muling binanatan ng batikang mamamahayag na si Erwin Tulfo ang grupong Commission on Human Rights (CHR) dahil sa naging panawagan nito sa gobyerno na itigil na ang isinasagawang airstrikes ng mga militar sa Marawi City.

Ito ay para maiwasan raw ang patuloy na pinsala sa mga sibilyan at mga ari-arian na apektado sa bakbakan sa pagitan ng Maute group at militar doon.

Ngunit sinalungat naman ito ni Tulfo sa kanyang programa, sinabi nito na hindi muna dapat itigil ng pamahalaan ang pambobomba sa Marawi dahil mas malakas pa rin ang pwersa ng mga Maute sa lugar at dehado pa ang mga kasundaluhan.

"Can you please use your brain Mr. Gascon? Like I've said dehado ang mga sundalo natin sa Marawi sa ngayon dahil nakikita sila ng mga Maute nasa taas ng building..palakad-lakad ang mga sundalo natin ini-sniper," pahayag ni Tulfo"

Kinwestiyon din ni Tulfo ang CHR sa karapatang pantao ng mga sundalong namatay sa bakbakan na dapat aniya ay bigyan din ng halaga ng grupo dahil parang ang lumalabas ay pili lamang daw ang pinapahalagan ng mga ito.

"Pagkatapos sasabihin mo itigil ang pambobomba kasi may natamaan na sibilyan? Pano naman yung sundalo natin? Papano mo ipapaliwanag sa mga kamag-anak na namatay ang sundalo natin sa pakikipagbakbakan," tanong ni Tulfo.

Ang problema kasi sa inyo sa CHR.. you keep on yapping..you keep on freaking talking.. daldal kayo ng daldal, puro kayo human rights.. Papano yung karapatan ng sundalo na namatay? Bakit nung mga pinatay ang mga sundalo wala kayong imik? Bakit yung unang segwada ng mga terorista na dinukot ang pari at mga mangagawa ng simbahan, hindi kayo nagsalita? dagdag pa nito.

Matatandaang nagsimula ang bakbakan sa pagitan ng Maute group at militar noong May 23 na nagbunsod sa pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa buong isla ng Mindanao.

Watch video below:
advertisement
WATCH: Erwin Tulfo slams CHR Gascon: Papano naman yung karapatang pantao ng sundalo na namatay? WATCH: Erwin Tulfo slams CHR Gascon: Papano naman yung karapatang pantao ng sundalo na namatay? Reviewed by Aldub News Hub on 1:09:00 AM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din