Watch: Isang paring katoliko, dinepensahan ang kampanya ni President Duterte kontra droga

advertisement
Dinepensahan ng isang paring Katoliko ang kampanya kontra iligal na droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap na policy forum sa University of the Philippines kamakailan, kung saan kasama niya sa dumalo si US Special Rapporteur Agnes Callamard.

Ayon kay Rev. Fr. Luciano Ariel Felloni, ang droga ay suliranin ng sambayanan kaya naman kailangan magtulungan ang publiko at gobyerno sa pagsugpo nito.

Inihalimbawa ni Felloni ang kanilang sinimulang programa sa ilang lugar sa Metro Manila kung saan nagbibigay sila ng rehabilitation program para sa mga Pilipino na nalulong sa droga na gustong magbagong-buhay, at nakapagpagraduate na sila ng unang batch ng mga nai-rehabilitate noong Marso.

Maliban sa rehab, tinitiyak din nila na may mga nakaantabay na ayuda gaya ng trabaho para sa mga sumailalim sa rehabilitasyon.

Dagdag pa nito, hindi dapat aniya isisi sa mga pulis ang lahat ng mga natatalang kaso ng pagpatay sa bansa.

Watch video here:
advertisement
Watch: Isang paring katoliko, dinepensahan ang kampanya ni President Duterte kontra droga Watch: Isang paring katoliko, dinepensahan ang kampanya ni President Duterte kontra droga Reviewed by Aldub News Hub on 5:54:00 AM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din