Watch: Vampi Lucas, isiniwalat ang katiwalian ni ex-DILG Secretary Ismael Sueno

advertisement
Tahasang isiniwalat ni Vampi Lucas sa isang phone call interview, ang katiwalian na kinasasangkutan umano ni dating DILG Secretary Ismael Sueno sa isang narco-mayor.

Sinabi ni Lucas na ang DILG task force ang humahawak sa imbestigasyon tungkol sa mga narco-politicians,  at kabilang sa hinahawakan nito ay ang isang narco-mayor sa Pampangga.

Pero ang ipinagtataka daw nito ay kung bakit inaprobahan at isinama ni Sueno sa biyahe ang sinasabing narco-mayor, na kabilang sa kanilang iniimbestisgahan, papuntang Washington, kasama ang kanyang mga opisyal, asawa at anak nito.

Ayon kay Lucas, sumulat raw sila sa tanggapan ni Sueno para humingi ng paliwanag, ngunit sa mahigit isang buwan at kalahati ay hindi raw sumasagot ang dating kalihim sa mga concerns nila para ipaliwanag ang koneksyon nito sa sinasabing narco-mayor, kaya nagsumbong na sila diretso sa Palasyo para ipaalam ang pangyayari.

Sinabi ni Lucas na tama lamang ang ginawang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsibak kay Sueno sa kanyang pwesto.
Watch the video below:
Source: Facebook
advertisement
Watch: Vampi Lucas, isiniwalat ang katiwalian ni ex-DILG Secretary Ismael Sueno Watch: Vampi Lucas, isiniwalat ang katiwalian ni ex-DILG Secretary Ismael Sueno Reviewed by Aldub News Hub on 5:52:00 AM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din