Watch: Sanggol, tinangka umanong lunurin ng ina na nakadroga

advertisement
Arestado ang isang babae na umanoy nakadroga at nangangamoy alak matapos nitong tangkain na lunurin sa Manila Bay ang kanyang tatlong buwan gulang na anak.

Ayon sa pulis, wala raw sa sarili ang babae na nagsisigaw habang hawak patiwarik ang umiiyak na sanggol at nilulublob pa ito sa tubig.

Agad namang rumesponde ang mga pulis sa tulong ng coastguard na dali-daling nagpadala ng rescue boat para sagipin ang walang kalaban laban na sanggol at ang ina nito.

Sa presento, inamin ng 33 taong gulang na ina sa mga awtoridad na tumira siya ng shabu kasama ng kanyang kaibigan, dagdag pa nito ay iniwan daw silang mag-iina ng kanyang asawa na sumama sa ibang babae.

Mahaharap naman sa kasong child abuse ang ina dahil sa kanyang ginawa, at pansamantalang ilalagay ang sanggol sa pangangalaga ng DSWD.

Watch Video below
advertisement
Watch: Sanggol, tinangka umanong lunurin ng ina na nakadroga Watch: Sanggol, tinangka umanong lunurin ng ina na nakadroga Reviewed by Online tricks on 6:07:00 AM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din