Watch: President Duterte, mainit na sinalubong ni King Salman sa Saudi Arabia

advertisement
Mainit na sinalubong ni King Salman bin Abdulaziz Al Saud si Pangulong Rodrigo Duterte sa Saudi Arabia nitong Martes, bilang parte ng dalawang araw na state visit ng Pangulo sa Riyadh.

Ayon kay Senator Alan Peter Cayetano, “Napaka warm po ng pagtanggap ng hari ng Kingdom of Saudi Arabia sa ating pangulo, napakaganda po ng kanilang one-on-one at bilateral meeting, nakaka-touch po ang sinabi ng hari na dito sa Saudi ang gusto nila ay iisa ang batas, kung ano ang batas sa Saudi national yun din ang batas para sa Pilipino at maging ang Royal Family."

Ilan raw sa mga napag-usapan sa naging pulong ng hari at ng pangulo ay ang kondisyon ng mga OFW na nagtatrabaho sa kaharian lalo na ang mga nahaharap sa iba't ibang mga problema.

Maliban dito, inilarawan din ni Department of Trade and Industry secretary Ramon Lopez na bilib na bilib raw ang mga opisyal kay pangulong Duterte lalo na ang Saudi King.

Sinabi ni Lopez na masayang masaya umano ang mga Saudi officials sa pagbisita ni Duterte dahil sa karismang taglay nito, lalo na ang pagiging sinsero ng pangulo hindi lang sa mga Pilipino kundi pati na rin sa mga bansang tumutulong sa Pilipinas.

Samantala, maraming netizen din ang natuwa at nagpabatid ng kani-kanilang pasasalamat dahil sa napakainit na pagtanggap at paghahanda ng Saudi para sa pagbisita ng pangulo.
Watch the video below:
advertisement
Watch: President Duterte, mainit na sinalubong ni King Salman sa Saudi Arabia Watch: President Duterte, mainit na sinalubong ni King Salman sa Saudi Arabia Reviewed by Aldub News Hub on 7:53:00 PM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din