Watch: OFW, nagprotesta sa labas ng New York Times para ipakita ang suporta kay President Duterte

advertisement
Naglunsad ng protesta ang ilang mga Pilipino na nagtatrabaho sa United States sa labas mismo ng New York Times building para ipakita ang hindi nila pagsang-ayon sa kanilang ginagawang paninira at propaganda laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Hinihikayat ng mga tagasuporta ng Pangulo na humingi ito ng paumanhin dahil sa sinulat nila sa kanilang editoryal na pahayagan, kung saan nanawagan sila sa buong mundo na huwag kundenahin ang kasalukuyang administrasyon.

“We are not gonna allow them to bully us and our president, New York Times please stop inciting world to condemn our President, we do not appreciate what you are doing and we demand that you make an apology for what you have written in your editorial page,” saad ni Joel Inocencio of I Am Pinoy, Proud Ako na nanguna sa rally.

Naniniwala sila na ang isinulat ng New York Times laban sa Pangulo ay kasiraan sa lahat ng mga Pilipino at sa bansang Pilipinas.

Samantala, hinihikayat naman nila ang iba pang local at international media na itigil na ang paninira at pag-atake sa Pangulo at sa kanyang administrasyon.

advertisement
Watch: OFW, nagprotesta sa labas ng New York Times para ipakita ang suporta kay President Duterte Watch: OFW, nagprotesta sa labas ng New York Times para ipakita ang suporta kay President Duterte Reviewed by Aldub News Hub on 5:30:00 PM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din