Watch: Lascañas, sinagot ang tanong ni Lacson kung sino ang nag finance sa kanya

advertisement

Hindi man direktang pinangalanan ni Davao self-confessed hitman Arturo "Arthur" Lascañas ang tanong ni Senator Ping Lacson kung sino ang gumastos sa pagpunta at pananatili niya sa Singapore, sinabi nito na alam na raw ng senador kung sino ang sumusuporta sa kanya dahil naranasan na naman daw niya ang ganitong sitwasyon noon.

Pahayag ni Lascañas: "Siguro ang pinaka mas nakakaintindi sa sitwasyon ko ngayon, siguro ay siya[Lacson] dahil nakaranas din siya ng ganitong klaseng sitwasyon..hinahanap siya doon, kinasuhan, merong mga naniniwala na inosente siya, na tama ang kanyang ginagawa, so meron mga nagsuporta... the same din sa akin."

Inamin din ng retiradong pulis na kaunti lamang ang sinasahod niya noon, kayat nakatanggap siya ng tulong pinansyal para sa pamamalagi niya sa Singapore kasama ang kanyang pamilya, pero giit nito na hindi naman daw kamahalan ang mga pagkain sa bansa na kinalalagyan niya ngayon.

Matatandaang kumalat sa social media na may isang pinay umano ang nakatabi si Lascañas pagdating nito sa Singapore, narinig pa raw niya mismo ang sinabi nito habang may kausap sa cellphone at nabanggit ang pangalang "Sonny."

Samantala, wala pang opisyal na pahayag si Senator Antonio "Sonny" Trillanes ukol sa usap-usapan ng netizens at ilang opisyal ng gobyerno na sinasabing siya umano ang tumulong at nagbigay ng pera sa retiradong pulis.

Watch the video below:
advertisement
Watch: Lascañas, sinagot ang tanong ni Lacson kung sino ang nag finance sa kanya Watch: Lascañas, sinagot ang tanong ni Lacson kung sino ang nag finance sa kanya Reviewed by Aldub News Hub on 11:01:00 PM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din