Watch: Ben Tulfo Minura at Binanatan na din si Trillanes

advertisement
Hindi pinalampas ng mga batikang mamamahayag na sina Ben Tulfo at Alex Santos ang naging pahayag kamakailan ni Senator Antonio Trillanes, na mas malala pa raw ang korapsyon na nangyayari ngayon sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte kesa sa panahon ni dating Pangulo Noynoy Aquino.

Sinabi ni Trillanes na mas marami pa raw ang mga kurakot na opisyales ng Pangulo na ini imbestigahan ng kanilang 'corruption monitoring team,' at ilalabas daw nito ang mga listahan sa tamang panahon.

Sa programang Kilos Pronto, binanatan ni Ben at Alex ang senador at hinamon pa ito na kung meron raw siyang nalalaman at ebidensya sa mga kurap na opisyal ay ilabas na agad ito sa publiko.

Sinabi ni Alex na mas maigi pa raw ang administrasyong Duterte dahil kapag may naamoy ang Pangulo na kurakot na opisyal sa kanyang gobyerno ay agad itong pinapatalsik sa pwesto, kesa sa dating administrasyon na kahit meron pang kasalanan, suspendido na ay ginawa pang isang lider, at nakapaggawa pa ng oplan.

Binalaan naman ni Tulfo si Trillanes na mag-ingat ingat sa mga sinasabi dahil kapag mabuksan ang imbestigasyon sa isyu ng DAP ay baka maghihimas ito ng rehas pag napatunayan ang akusasyon sa kanya, kung saan winaldas umano nito ang mahigit 200 milyon pesos na ibinigay ng dating Pangulo Noynoy at dating Budget Secretary Butch Abad.
Watch the video below:
advertisement
Watch: Ben Tulfo Minura at Binanatan na din si Trillanes Watch: Ben Tulfo Minura at Binanatan na din si Trillanes Reviewed by Online tricks on 9:23:00 PM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din