Watch: Bagong rescue and humanitarian vessel ng PRC, dumating na sa Pilipinas

advertisement
Dumating na sa Pilipinas ang bagong rescue and humanitarian vessel ng Philippine Red Cross na magagamit raw para sa pagresponde sa iba't-ibang kalamidad sa bansa.

Isa ang Pilipinas sa mga bansa na pinakatinatamaan ng kalamidad dahil sa nakalipas na dalawang dekada, aabot sa mahigit 270 na kalamidad na ang naitala sa bansa, ayon sa huling report ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction.

Kaya naman ito ang naging dahilan para bumili ng sasakyang pandagat ang Philippine Red Cross na layong mapadali ang relief operations. Ito nga raw ang kauna-unahang humanitarian ship at gagawing pinakamalaking ambulansya at disaster response vessel ng bansa.

Binili pa ang barko mula sa United States na nagkakahalaga ng USD1.75 Million o mahigit 80 milyong pesos na kayang maglayag kahit anim na crew lang ang mag operate nito, at mahigit isang daan tao ang kaya nitong isakay.

Sa ngayon, magkakaroon pa ng mga simulation test ang barko at inaasahang magiging fully operational sa buwan ding ito. Kapag naging magtagumpay ay maglalayag na ang MV Susitna sa Manila bay at bubuksan na sa publiko.

Umaasa rin ang Philippine Red Cross na marami ang magvolunteer at magdonate para sa maintenance ng barko.

Watch the video below:
advertisement
Watch: Bagong rescue and humanitarian vessel ng PRC, dumating na sa Pilipinas Watch: Bagong rescue and humanitarian vessel ng PRC, dumating na sa Pilipinas Reviewed by Aldub News Hub on 5:21:00 PM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din