Watch: Babaeng tinakot at sinuhulan umano ng kampo ni Trillanes, lumantad at nagsalita na

advertisement
Lumantad ang isang babae na nagngangalang Guillermina Barrido matapos umano itong pagtakaang suhulan ng kampo ni Senator Antonio Trillanes kapalit ng pagtestigo nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at idiin ito sa International Criminal Court sa kasong iligal na droga.

Sa kanyang paglantad sa publiko, isinalaysay ni Barrido, na inaming dating tagasuporta ni Pangulong Duterte, kung ano nag-udyok sa kanya para sumuporta ito sa Liberal Party noong kasagsagan ng kampanya taong 2015, at kung paano siya tinakot ng kampo ni Senator Trillanes para siraan si President Duterte.

Watch the video below:
Dahil sa hindi na raw umobra sa publiko ang isyu tungkol sa extra-judicial killings laban sa Pangulo, sinabi ni Barrido na nilapitan at kinausap umano siya ng tatlong lalaki na pinangalanan niyang Father Alejo, Atty. Jude Sabio at Jonel, para pilitin na tumestigo laban sa Pangulo sa isyung iligal na droga.

Pahayag ni Barrido na kada sira daw niya sa Pangulo ay binibigyan umano ito ng pera ni Father Alejo, at may mga pagkakataon raw na inilalagay pa ito sa tissue kung saan sila kumakain.

Ibinulgar din niya na pinapapatawag umano siya ni Senator Trillanes sa kanya para irecord ang magiging pahayag nito at kung ano man ang sasabihin ng senador ay dapat ganun din daw ang sasabihin nito dahil sa takot na bumaliktad ito, gaya raw ng pinagawa kina Matobato at retired police Arthur LascaƱas.

Sinabi rin ni Barrido na may mga ebidensya raw siyang hawak na magpapatunay na totoo na may suhulan at pananakot na nangyari kabilang ang mga text messages ni Trillanes sa kanya.
advertisement
Watch: Babaeng tinakot at sinuhulan umano ng kampo ni Trillanes, lumantad at nagsalita na Watch: Babaeng tinakot at sinuhulan umano ng kampo ni Trillanes, lumantad at nagsalita na Reviewed by Aldub News Hub on 10:15:00 PM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din