Watch: AFP at PNP, nagpakawala ng sunod-sunod na airstrike laban sa Abu Sayyaf sa Inabanga, Bohol

advertisement
Nagpakawala ng sunod-sunod na airstrike ang pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police laban sa mga Abu Sayyaf, na lumusob sa Inabanga, Bohol kaninang umaga.

Nag-umpisa ang bakbakan ng dalawang grupo alas 5 ng umaga, Martes, dalawang araw matapos nagbabala ang United States na meron umanong banta ng pangingidnap sa nasabing rehiyon.

Nagresulta ito sa pagkakapatay ng 4 na pwersa ng pamahalaan at 5 pinaghinihinalaang bandido.

Ayon sa ulat, dumating daw ang bandidong grupo kahapon ng umaga lulan ng tatlong pump boat, at pumasok ito sa Inabanga River papuntang Brgy. Napo na may dala-dalang malalaking armas.

Samantala, hindi bababa sa 700 katao ang lumikas sa kanilang mga tahanan pagkatapos maglunsad ng operasyon ang mga militar laban sa teroristang grupo, at wala namang sibilyan ang napabalitang nasaktan sa engkwentro.

Tiniyak naman ng mga opisyal ng gobyerno ng lalawigan, at ng mga militar sa mga turista, na walang dapat ipangamba sapagkat kontrolado na nila ang insidente.
Watch the video below:
advertisement
Watch: AFP at PNP, nagpakawala ng sunod-sunod na airstrike laban sa Abu Sayyaf sa Inabanga, Bohol Watch: AFP at PNP, nagpakawala ng sunod-sunod na airstrike laban sa Abu Sayyaf sa Inabanga, Bohol Reviewed by Aldub News Hub on 6:37:00 AM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din