Watch: 25 OFWs na ilegal na naninirahan sa Saudi, nakauwi na ng Pilipinas dahil kay President Duterte

advertisement
Magsisimula na ng panibagong buhay dito sa Pilipinas ang 25 na Pinoy na nakasama sa mga sakay ng Philippine Airline flight mula sa Jeddah, Saudi Arabia at lumapag sa NAIA Terminal 2, kaninang umaga.

Ang mga OFW na ito ang kauna-unahang nabigyan ng amnestiya ng kaharian ng Saudi Arabia, dahil sa hindi legal na pananatili nito sa nasabing bansa, kabilang dito ang mga pinoy na nag-expire o walang ID o tumakas sa kani-kanilang mga pinagtratrabahuan.

Labing lima sa kanila ay pansamantala munang mananatili sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) habang inaasikaso pa ang kanilang transportasyon para makauwi na ito sa kani-kanilang probinsya.

Dahil sa amnesty program ng Saudi, ay maaaring makauwi ng walang parusa o babayaran ang mag-aapply nito sa loob ng 90 araw mula Marso 29.

Gaya ng ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte, iuuwi niya ang mga Pinoy na nabigyan ng pardon o clemency ng Saudi King.

Ayon sa OWWA, nasa 3,000-5,000 OFWs pa ang inaasahan na makikinabang sa amnestiya ng Saudi Arabia.
Watch the video below:
advertisement
Watch: 25 OFWs na ilegal na naninirahan sa Saudi, nakauwi na ng Pilipinas dahil kay President Duterte Watch: 25 OFWs na ilegal na naninirahan sa Saudi, nakauwi na ng Pilipinas dahil kay President Duterte Reviewed by Aldub News Hub on 11:43:00 PM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din