LOOK: Lascañas, nahuling may kausap sa viber 'Sabihin mo kay Sir Sonny na dumating na ako'

advertisement
Isiniwalat ng isang pinay sa pamamagitan ni Atty. Bruce Rivera, ang kanyang nakita at narinig matapos makarating ng Singapore ang Davao self-confessed hitman na si Arturo "Arthur" Lascañas.

Sa Facebook post, sinabi ni Rivera na isa sa mga followers niya ang nagbigay sa kanya ng impormasyon kalakip ang mga kuhang larawan niya kay Lascañas na dala-dala ang kanyang mga maleta, bilang patunay na nakita niya ito sa Singapore.

Kwento nito, na nakatabi niya pa raw si Lascañas, at narinig niya na may kausap ito sa kanyang cellphone na boses babae, na parang asawa niya raw o isa sa mga kapamilya nito, at sa pag-aakala ng retiradong pulis na siya ay isang Singaporean at hindi nakakaintindi, nagsalita ito sa wikang Bisaya at sinabi sa kanyang kausap ang mga salitang: “Sabihin mo kay Sir Sonny na dumating na ako.”

Samantala, maraming netizens ang nagsasabi na ang tinutukoy ni Lascañas na "Sonny" ay si Senator Antonio Trillanes, na siyang tumayong handler nito upang tumestigo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Basahin ang kabuuang pahayag sa baba...

ESKAPO
By Atty. Bruce V. Rivera

Talagang nakakahanap ng paraan ang Diyos. Dumating si Lascañas sa Singapore at katabi niya ay isang Pilipina na mukhang Singaporean.

Aba, aba, aba. Nagviber ang lolo mo. Kausap ay isang babae na parang asawa nito o kapamilya. Dahil akala ay banyaga ang Pinay, nagBisaya siLascañas sa kausap niya. At ito ang kanyang sinabi:

"Sabihin mo kay Sir Sonny na dumating na ako."
Aray ko. Sino kaya ang Sonny na yan? At sino itong nagsumbong sa akin.

Katabi ni Lascañas na akala niya ay Singaporean ay isang Pinay na taga-Davao. At follower ko sa Facebook. Kaya nagpadala ng pics to prove na hindi siya nagsisinungaling.

Takbuhan na ba ang mga sanggano o bakasyon lang?
Source: Atty Bruce Rivera

advertisement
LOOK: Lascañas, nahuling may kausap sa viber 'Sabihin mo kay Sir Sonny na dumating na ako' LOOK: Lascañas, nahuling may kausap sa viber 'Sabihin mo kay Sir Sonny na dumating na ako' Reviewed by Online tricks on 7:45:00 PM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din