Watch: President Duterte, excited umuwi at gusto ng masilayan ang bago niyang apo

advertisement
Labis ang kaligayahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng malaman niyang maayos na nagsilang ang kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara ng bagong sanggol na lalake, na pinangalanang "Stonefish."

Makikita na tuwang-tuwa ang Pangulo habang kinakausap ang mga reporters sa katatapos lang na event na kanyang dinaluhan sa Cebu City, at sinabing gusto na niya kaagad umuwi para masilayan ang kanyang bagong apo.

""I am exceedingly excited. I want to go home now. Galing dito, uwi na ako. Diretso na ako sa hospital," wika ng Pangulo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang pagsilang sa pinakabagong apo ng Pangulo ay isang malaking motibasyon sa kanyang administrasyon para mas lalo pa nitong pagtibayin ang kampanya kontra droga at kriminalidad, upang makamit ang ligtas at mapayapang bansa para sa mga bagong henerasyon.

Si Stonefish ang pangatlo at pinakabunsong anak ni Inday Sara bukod sa dalawa pa nitong anak, isang babae na ang pangalan ay Shark, at ang panganay na lalake na si Stingray.

Watch the video below:
advertisement
Watch: President Duterte, excited umuwi at gusto ng masilayan ang bago niyang apo Watch: President Duterte, excited umuwi at gusto ng masilayan ang bago niyang apo Reviewed by Aldub News Hub on 4:50:00 AM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din