Watch: Dela Rosa, nag-alok na ikulong si De lima sa PNP Custodial Center sakaling arestuhin ito

advertisement
Hindi pa man pormal na nakukulong si Senador Leila de Lima ay inalok na siya ni Philippine National Police Chief Director General Ronald "Bato" Dela Rosa ng maayos na detention facility sa loob ng Kampo Crame.

Ayon kay Dela Rosa, kung sakaling maihain na ang warrant of arrest laban sa senadora, ay nais niya itong makulong sa PNP Custodial Center upang mabigyan ito ng maigting na seguridad.

Tiwala ang PNP chief na ito ang isa sa pinakaligtas na kulungan sa bansa dahil nasa loob mismo ito ng kampo Crame, kung saan nakakulong din ang mga dating senador na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada na parehong nadawit sa PDAF Scam noong Justice secretary pa si De lima.

Sinabi ni Dela Rosa na naghihintay lamang siya ng instruskyon mula sa awtoridad sakaling gagamitin ang Camp detention center oras na kailanganin nila ito.

Nangako naman si Dela Rosa sa senadora na titiyakin niyang magiging ligtas ito sa loob ng kampo.

Watch the video below:
advertisement
Watch: Dela Rosa, nag-alok na ikulong si De lima sa PNP Custodial Center sakaling arestuhin ito Watch: Dela Rosa, nag-alok na ikulong si De lima sa PNP Custodial Center sakaling arestuhin ito Reviewed by Aldub News Hub on 5:14:00 AM Rating: 5
Bawal yan ! Magtype ka din